Pinoy artists bibida sa APEC gala night

MANILA, Philippines – Mga kilalang Filipino artists ang inimbitahan para mag-perform sa gala night para sa APEC economic leaders na gaganapin sa Nov. 18 ng gabi sa MOA Arena.

Ang cultural presentation ay handog ni Pangulong Aquino sa welcome dinner para sa mga APEC economic leaders.

Kabilang sa mga performers sina Arnel Pineda, Charisse, Appl de Ap kasama si del Anay ng Manobo, Jed Madela, Martin Nievera, Gary Valenciano at ang sikat na El Gamma Penumbra.

Manonood ang mga world leader sa isang revolving platform habang nagpe-perform ang nasabing mga artists.

Samantala, may nakatakda namang 11 bilateral meetings si Pangulong Aquino sa ilang economic leaders sa umaga ng Nov. 18 sa Sofitel Hotel kabilang na ang US, Australia, Korea, Japan at Russia.

Show comments