Bagong PDP head sa Quezon itinalaga

MANILA, Philippines – Itinalaga si dating Gov. Eduardo T. Rodriguez bilang bagong pangulo ng partidong PDP-Laban sa lalawigan ng Quezon.

Ang pagtatalaga kay Rodriguez ay inianunsyo ni dating Transportation and Communications Undersecretary at ngayon ay PDP-Laban Secretary General Gene Mamondiong sa joint general assembly ng MRRD-NECC-PDP-Laban na idinaos sa Queen Margarette Hotel sa Lucena City.

Tinanggap naman ng taos-puso ni Rodriguez ang appointment at sinabing siya’y isang mabuting sundalo at nangakong gaganapin ang kanyang tungkulin na may kaakibat na responsibilidad.

Show comments