Obispo sa mga workaholic: ‘Magpahinga kayo!’

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, bahagi ng spiritual na pangangailangan ng katawan ay ang pagpapahinga gayundin ang paggunita sa “Sabbath” ang araw na itinalaga ng Diyos. File photo

MANILA, Philippines – Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa mga workaholic na magpahinga rin at hindi dapat na sinasamba ang trabaho.

Ayon kay Tagle, baha­gi ng spiritual na panga­ngailangan ng katawan ay ang pagpapahinga ga­yundin ang paggunita sa “Sabbath” ang araw na itinalaga ng Diyos.

Sinabi ni Tagle na nakalulungkot na hindi na nagpapahinga ang mga manggagawa kung saan mas binibigyan ng prayoridad ang trabaho at suweldo.

“Ayaw nang magpa­hinga, kailangan sambahin ang suweldo! ‘Yung iba mayroon nang regular job, may part-time, nag-o-overtime pa, kasi parang ginagawa na nating Diyos ang trabaho,” ani Tagle.

Binigyan diin ni Tagle na mas kailangan ang pahinga dahil mas marami pa ang magagawa ng isang tao kabilang na ang pagtulong sa kapwa.

Dapat aniyang isa­isip ang pahayag ng Santo Papa na bahagi ng Christian spirituality ang pahi­nga at pagsasaya.

Show comments