‘Ineng’ nakalabas na ng PAR, habagat magpapaulan

MANILA, Philippines — Nakaalis na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Ineng” ngunit patuloy na uulanin ang bansa dahil sa paglakas ng hanging habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nasa Okinawa, Japan na ang bagyo na nanalasa sa hilagang bahagi ng Luzon nitong weekend.

Sa pag-alis ni Ineng ay pinaigting nito ang hanging habagat na magpapaulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon na maaaring magrsuelta sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.

Nakataas ang Yellow rainfall warning sa mga sumusunod na lugar:

  •     Zambales
  •     Bataan
  •     Bulacan
  •     Pampanga
  •     Nueva Ecija

Thunderstorm alert naman sa:

  •     Metro Manila (CAMANAVA, North Caloocan, Quezon City)
  •     Rizal (San Mateo, Rodriguez)
  •     Batangas (Nasugbu)
  •     Cavite (Ternate, Maragondon)

Tiniyak naman ng PAGASA na walang banta ng sama ng panahon malapit sa PAR kaya makakaasa na gaganda ang panahon sa mga susunod na araw.

Show comments