5 arestado sa drug bust

BULACAN, Philippines – Lima-katao kabilang ang dalawang notoryus na drug pusher ang nalambat sa magkahiwalay na drug bust operation sa Brgy. Burol 1st, Balagtas at Brgy. Real de Cacarong sa bayan ng Pandi, Bulacan kamakalawa.

Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Luzviminda “Lotlot” Feliciano, 39, ika-2 sa drug watchlist; Benedicto Mariano, 49; Michael Ramos, 22, mga residente sa Brgy. Burol 1st; R-Jay De Guzman, 25, Ika-1 sa drug watchlist; at si Leo Castro, 40, mga nakatira sa Real de Cacarong sa bayan ng Pandi.

Unang inilatag ang drug bust operation sa bisinidad ng P. Castro Street sa Brgy. Burol 1st at nasakote naman  sina Mariano at Feliciano kung saan nasamsam ang dalawang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Victor Bernabe sina De Guzman at Castro sa PNP checkpoint sa Barangay Real De Cacarong kung saan nasamsam ang dalawang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments