Pinay sugatan sa Bangkok bombing

MANILA, Philippines – Isang Pinay ang nasu­gatan sa naganap na pagsabog sa Bangkok, Thailand noong Lunes.

Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, hindi muna nila mailalabas ang pagkakakilanlan ng Pinay bilang pagsunod na rin sa kahilingan nito.

Halos nawalan anya ng pandinig ang Pinay dahil sa lakas ng pagsabog.

Nagtatrabaho anya sa Bangkok ang naturang Pinay sa isang pamilya roon.

Sa pinakahuling balita, umabot na sa 22 ang kumpirmadong nasawi sa naturang pagsabog sa Erawan Hindu shrine habang higit 100 naman ang sugatan. Karamihan sa mga biktima ay pawang mga turista.

Kinondena naman ni DFA Sec. Albert del Rosario, ang ginawang pambobomba sa popular na Hindu Temple sa Bangkok ay may intensyong magsagawa ng terorismo.

Show comments