Wagi sa 2015 Manila Bay Seasports Festival

MANILA, Philippines – Nakamit ng mga batikang bangkero mula sa Agoo, La Union at Cadiz City ang kampeonato sa Stock at Formula Races ng bancathon sa Manila Bay Seasports Festival noong linggo. Si Ruben Quero, lulan ng bangkang Angielyn, ang nagwagi sa Stock Race, habang si Jerin Pasignalin naman na piloto ng Lourd Cedric, ang nanalo sa Formula Race.

Sa dragon boat championships, nakuha naman sa ika-apat na pagkakataon ng Philippine Army ang kampeonato sa men’s open, habang sinusungkit ng Philippine Navy ang karera ng women’s small boat at mixed open.

Ang  Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Cobra Energy Drink, The Generics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Cignal, My Juiz, at  Herco, ang official distributor ng mga makinang Briggs and Stratton.

Show comments