MILF ibinalik ang ilang armas ng SAF 44

GPH/OPAPP photo

MANILA, Philippines —Isinauli na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga armas ng nasawing miyembro ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.

Alinsunod ito sa pahayag ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal sa pagdinig ng Senado nitong nakaraang linggo.

Umabot sa 15 rifles ang nakuha ng MILF, kung saan siyam ang kanilang ibinalik sa  Camp Siongco military headquarters sa Awang, Maguindanao kagabi.

Iniharap ng MILF ang mga armas sa mga miyembro ng media ngayong Miyerkules na dinaluhan ng mga kawani ng gobyerno at mga miyembro ng MILF peace panel.

Anim na armas pa ang inaasahang ibabalik ngayong araw.

Show comments