Rolito Go walang clemency

MANILA, Philippines - Hindi mabibigyan ng clemency ang convict na si Rolito Go.

Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima na hindi kasama ang pangalan ni Go sa kanyang mga inirekomendang pangalan ng mga preso kay Pangulong Aquino na mabigyan ng pardon.

Ang mga presong kanilang inirekomenda para sa executive clemency ay mga matatanda na edad 70 hanggang 90 at dumaranas ng malubhang sakit kung saan inaasahan na maaaprubahan ngayong linggo.

Hindi naman maibigay ni de Lima ang bilang ng mabibigyan ng clemency dahil ayaw nilang pangunahan ang desisyon ni PNoy.

Gayunman, tiniyak nito na hindi ito ang huling batch ng mga preso na maaaring mabigyan ng clemency. Kailangan lamang na unti-unti ang pagsusumite ng listahan.

Show comments