12 Bilibid gang lider pinabartolina ni De Lima

MANILA, Philippines – Iniutos ni Justice Secretary Leila de Lima na ilipat sa bartolina ang 12 gang leaders sa maximum security compound ng New Bilibid Prison kasunod ng pagsabog ng granada kahapon.

Ito ang parusa ni De Lima sa gang leaders matapos walang lumutang kung sino ang nasa likod ng pagsabog na ikinasawi ng 1 preso at ikinasugat naman ng 19.

Hindi makatatanggap ng bisita ang 12 gang leaders habang nasa loob ng bartolina.

Hinala ni kalihim na maaaring nagpasabog ng granada sa Bilibid upang guluhin ang kanilang imbestigasyon sa marangyang pamumuhay ng high-profile inmates.

 

Show comments