Singil ng Meralco bababa ngayong Enero

MANILA, Philippines – Bababa ng 19 sentimo kada kilowatthour (kwh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang tapyas sa singil sa kuryente ay bunsod ng mas murang coal at langis na ginagamit sa mga planta ng kuryente.

Sinabi ni Zaldarriaga, sa mga tahanan na kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan ay mababawasan ng P38.81.

Sa mga gumagamit naman ng 300 kwh ay P58.22 ang matatapyas. Sa 400 kwh ay P77.62 habang sa 500 kwh ay P97.03 ang mababawas na singil sa kanilang January Meralco bill.

Ani Zaldarriaga, kahit papaano ay makakatulong ng konti sa pagba-budget ang bawas singil sa kur­yente matapos ang magkasunod na taas sa singil sa tubig at pasahe sa LRT at MRT.

Show comments