Helper sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines – Sugatan sa hita ang 22-anyos na helper nang barilin habang naglalakad sa Tondo, Maynila, kaha­pon ng madaling araw.

Nilalapatan ngayon ng lunas sa Jose Abad Santos General Hospital ang bik­timang si Erwin Elgarico, ng Area F., Gate 20,  Parola Compound, Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa  kanang hita.

Isang alyas Philip ang sinasabing suspek sa pamamaril.

Sa ulat ni Supt. Jackson Tuliao, hepe ng Manila Police District-station 2, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa MICT Truck Holding Area, North Harbor, Tondo.

Ayon sa salaysay ng biktima, naglalakad siya sa nasabing lugar nang sumulpot ang suspek sa madilim na bahagi ng lugar at walang sabi-sabing pinaputukan siya.

Matapos ang pamamaril, mabilis na naglaho sa dilim ang suspek habang ang bikima ay isi­nugod sa ospital.

Show comments