MANILA, Philippines – Iginiit ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na wala silang intensyong magpatupad ng taas-pasahe kaugnay ng nakatakdang pagtataas ng singil sa toll rates sa NLEX, SLEX at Cavitex.
Sa isinimuteng liham kay LTFRB chairman Winston Ginez ng mga bus operators ay inihayag nitong susundin pa rin nila ang May 17, 2008 provisional authority na P9 pa rin ang singil sa unang 4 na kilometro at dagdag na P1.40 sa susunod na kilometro sa ordinary bus.
Wika pa ng PBOA, ang regular air-con bus ay mananatili pa rin ang singil sa P9 sa 1st 4km at dagdag na P1.80 sa susunod na kilomentro habang P1.70 naman sa air-con deluxe at P2.25 naman sa luxury bus.
Sinabi ni Alex Yague na PBOA executive director, sila pumasan sa dagdag na gastos sa motor oil at motor parts sa loob ng 6 na taon bukod sa dagdag gastos nila sa paglalagay ng GPS o Global Positioning Systems, speedlimiters at iba pang accessories.
“Our economy is growing and the population is growing. Globalization and the ASEAN integration is setting in by 2015 and the modernization of our bus industry whish isessential to the success of our Mass Transport system is the government’s primary conern.” Paliwanag pa ni Yague.
Ang provincial bus sector ang pinaka-malaki sa ASEAN region kung saan ay mahigit 8,000 ang mga ito sa buong bansa.