'Seniang' death toll: 53

MANILA, Philippines – Patuloy pa ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa bagyong “Seniang,” ayon sa state disaster response agency ngayong Miyerkules.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lumobo na sa 53 ang mga nasawi, habang 26 ang sugatan.

Dagdag ng NDRRMC na walong katao ang nawawala at patuloy na pinaghahahanap.

Nsa 56,000 pamilya ang naapektuhan ni Seniang sa Western at Central Visayas, Regions 10, 11 at Caraga.

Show comments