2015 Year of the Goat stamps inilunsad ng PHLPost

MANILA, Philippines – Inilunsad na ng Philippine Postal Corp. (PHLPost)  ang “2015 Year of the Goat” special stamp  na sasalubong sa Bagong Taon.

Bagama’t ang  “Year of the Goat” ay sumabay sa  pagdiriwang ng Chinese New Year,  una nang  inilabas ng PHLPost  ang  stamps  noon pang  Nobyembre 24, 2014.

Ang dalawang  disen­yo ng stamps ng goat’s head ay nagkakahalaga ng P10 bawat isa  habang ang buong imahe ng goat ay nagkakahalaga ng P30 each.

Ayon sa PHLPost 55,000 kopya ng bawat stamps ang  na imprenta at maaari nang mabili sa post offices sa buong bansa.

Nasa 5,000  kopya naman ang limited edition special souvenir sheet.

Batay sa Chinese zodiac, ang taong 2015 ay green of wooden goat. Ang  goat o sheep  ay ang  ikawalong  ha­yop sa Buddha’s call.  Pinaniniwalaang ang mga ipinanganak sa ilalim ng goat year ay malikhain, matalino, maaasahan  at mabait.

Show comments