CGMA nakabalik na sa Veterans

MANILA, Philippines - Nakabalik na sa Ve­terans Memorial Medical Center (VMMC) si da­ting Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo makaraang mag-Pasko sa labas ng ospital.

Nakapagdiwang ng Pasko si Arroyo kasama ang pamilya sa bahay sa La Vista, QC mula Disyembre 23 hanggang 26 matapos pagbig­yan ng korte sa hirit na Christmas furlough.

Disyembre 23 hanggang Enero 3 sana ang orihinal na hirit ni CGMA.

Inabot lamang ng halos 10 minuto ang biyahe ng kongresista mula sa kanyang bahay pabalik ng ospital kahapon ng umaga.

Nananatiling naka-hospital arrest si CGMA dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit sa pondo ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Show comments