Globe nagdaos ng unang ‘myBusiness Day’

MANILA, Philippines – Nagbigay ng inspirasyon at kapangyarihan ang Globe myBusiness sa mga entrepreneur at micro small and medium enterprises (mSMEs) sa pamamagitan ng unang ‘myBusiness Day’ nito na idinaos noong Nob. 26 sa The Globe Tower sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa pakikipagtulungan ng Association of Filipino Franchisers Inc. (AFFI), ginawa ng Globe myBusiness ang lugar na isang siyudad ng ‘franchising opportunities’ na tinawag na ‘Globeville’, isang one-stop shop para sa mga nagsisimula ng negosyo na itinayo, lalo na para sa mga empleyado ng Globe.

Mula sa ‘franchising opportunities’ at business enablers na ipinakita sa buong maghapon, hanggang sa informative business talks mula sa mga ekperto sa gabi, ang ‘myBusiness day’ ay isang okasyon na itinakda upang maliwanagan at pagningasin ang Filipino entrepreneurial spirit, pahayag ni Senior Vice President and Head for Globe myBusiness, Martha Sazon.

Sa naturang okasyon, ang mga empleyado ay binigyan ng malawak na franchising investment opportunities mula sa mahigit 20 local franchise exhibitors, mula sa food, retail at service industries.

Show comments