3 sugatan sa NPA attack

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang na­sugatan makaraang lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kampo ng 93rd Division Reconnaissance Company ng Phil. Army sa Sitio Guiwanon, Barangay Danao sa bayan ng San Jacinto Masbate, kahapon.

Naganap ang pagsalakay bandang alas-8:40 ng umaga kung saan nagsipag-atrasan ang mga rebelde matapos na gumanti ng putok ang tropa ng 903rd Infantry Brigade.

Kaagad namang dinala sa ospital sa Masbate ang tatlong sugatan na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan.

Show comments