CGMA nakipaglibing sa apo

MANILA, Philippines -  Nakipaglibing kahapon si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa kanyang apo sa Makati City.

Lumabas ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City si Rep. Arroyo pasado alas-8 ng umaga kahapon para makipaglibing sa yumaong anak ni Luli Arroyo.

Ang apo nitong si Jorge Alonso “Jugo” Arroyo Bernas, anak ni Luli Arroyo Bernas  ay namatay noong nagdaang Nov. 2  dahil sa congenital heart disease.

For humanitarian consideration ay napayagan si Arroyo na makalabas mula sa ospital kung saan siya ay naka-hospital arrest sa VMMC  mula pa noong October 2012 dahil sa kasong graft at plunder dahil sa anomalya umano sa paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Naka-hospital arrest sa naturang pagamutan si Arroyo dahil sa mga iniindang sakit sa leeg.

 

Show comments