Operasyon ng MRT, LRT normal pa rin

MANILA, Philippines - Tuloy ang normal na operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT) ngayong Undas upang serbisyuhan ang mga tutungo sa mga sementeryo sa naturang okasyon.

Ayon kay Hernando Cabrera, MRT spokesman, bagamat holiday, pareho pa rin ng dati ang kanilang operasyon ngayong Sabado at Linggo, All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Nananatiling bukas ang MRT mula Edsa North Avenue hanggang Pasay mula alas-5:30 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

Sa LRT-1 naman mula Roosevelt, QC hanggang Baclaran, Parañaque at LRT-2 mula Recto sa Maynila hanggang Santolan, Pasig ay bukas mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi ngayong Undas.

Show comments