PNoy bibiyahe uli ngayong Nob.

MANILA, Philippines - Tatlong sunud-su­nod na biyahe sa labas ng bansa ang gagawin ni Pangulong Aquino sa buwang ito.

Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma, unang dadalo ang Pangulo sa APEC economic leaders meeting mula Nov. 10-11 sa Beijing, China.

Tatanggapin ng Pangulo mula sa China ang pagiging host ng 2015 APEC Summit na gaganapin sa Pilipinas.

Dadalo rin si PNoy sa ASEAN Summit mula Nov. 12-13 na gaganapin naman sa Nay Pi Taw, Myanmar.

Ang huling biyahe ni PNoy sa buwang ito ay ang pagdalo naman niya sa The Econo­mist’s-The World in 2015 event na gaganapin sa Singapore mula Nov. 18-19.

Sa Disyembre ay dadalo si Aquino sa ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit mula Dec. 11-12.

Show comments