Maulang 'Undas' malamang dahil sa bagyong 'Paeng'

MANILA, Philippines - Isang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

"Paeng" ang ipapangalan ng PAGASA sa bagyo kapag pumasok na ito sa PAR.

Tinatayang nasa 1,320 kilometro sa silangang bahagi ng Visayas nitong Biyernes ng umaga.

Mahina pa ang bagyo at masyado pang malayo para direktang makaapekto sa bansa, ayon sa PAGASA.

Malabo rin umanong tumama sa kalupaan si "Paeng."

Inaasahan naman ang maulang panahon sa Kamaynilaan at mga probinsya ng Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Rizal at Laguna.

Maulap, maambon at may panakanakang malakas na pag-ulan ang mararanasan naman sa rehiyon ng Cagayan Valley, Bicol at Eastern Visayas at mga probinsya ng Quezon at Aurora.

Show comments