PNoy mag-iinspeksyon sa mga pantalan, airports, bus terminals

MANILA, Philippines -  Mag-iinspeksyon ngayon si Pangulong Noynoy Aquino sa mga pantalan, paliparan at bus terminal sa Metro Manila upang matiyak ng Pangulo ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa paggunita ng Undas.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Coloma, kumikilos na aniya ang mga ahensya ng gob­yerno para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero.

Kabilang sa mga pupuntahan ng Pangulo ay ang Manila North Harbor, NAIA Terminal 3, at mga istasyon ng bus sa Pasay.

Hindi naman masabi ng Palasyo kung kailan dadalaw ang Pangulo sa puntod ng mga magulang na sina dating senador Ninoy Aquino at dating pangulong Corazon Aquino. 

 

Show comments