Prostitusyon sa Bilibid kinumpirma

MANILA, Philippines -  Kinumpirma ni Bureau of Correction (BuCor) director Francis Jesus Bucayo sa mga kongresista na may nangyayaring prostitusyon sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Ito ang inamin ni Bucayo sa pagdinig ng House Committee on Justice sa loob ng NPB upang masiguro na naipapatupad ang Bureau of Corrections Act of 2013. Paliwanag nito, nakakapasok ang mga prostitutes sa loob ng NBP sa pamamagitan ng regular na sistema ng pagbisita. Napatunayan na umano nila ito dahil sa mga insidente na may nahuli silang mga babae na hindi tunay na asawa ng mga preso na umamin sa pagtatanong ng mga otoridad. Giit ni Bucayo bawal sa loob ng NBP ang conjugal activity sa hindi tunay na asawa ng mga preso. Bukod dito tuloy pa rin ang problema sa pagpasok ng droga sa Bilibid subalit ginagawa umano nila ang lahat para mas higpitan ang pagsala sa mga dumadalaw sa loob ng kulungan.

 

Show comments