Liquor ban sa Bar Exams

File Photo

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng pagsasagawa ng taunang Bar Exams, ipagbabawal sa apat na Linggo ng Oktubre ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa paligid ng University of Sto. Tomas (UST).

Mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng gabi ng Oktubre 5, 12, 19 at 26 epektibo ang liquor ban. Saklaw ng pagbabawal ang nasa loob ng 200 metrong paligid ng UST mula sa perimeter walls nito partikular sa España Boulevard, Lacson Avenue, Dapitan St. at P. Noval St.

Walang anumang pamilihan, restoran o kainan ang maaaring magbenta, mag-alok at bumili ng kahit na anong inuming may alkohol tulad ng beer, wine at iba pa. Nasa 6,344 examinees ang kukuha ng 2014 Bar examinations sa UST.

Show comments