MANILA, Philippines - Sinisimulan na ang pagsasaayos sa dome ng Manila Cathedral bilang paghahanda sa nalalapit na pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa 2015.
Sa news site ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), makikita sa larawan ang puspusang pagre-repair ng cathedral.
Inaasahan umano ng CBCP na isa ang Manila Cathedral sa mga bibisitahin ng Santo Papa sa Enero 2015 kaya kailangang ngayon pa lang ay maayos at matibay na ito.
Ang nasabing simbahan ay dalawang taon nang kinukumpuni at nagbukas lamang noong Abril.
Pansamantalang isinara ang Cathedral noong 2012 dahil kailangan na itong kumpunihin para maging matibay.