MRT nagka-aberya na naman!

MANILA, Philippines - Nagka-aberya na naman ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng hapon.

Ayon kay Atty Her­nando Cabrera, tagapagsalita ng MRT, ganap na alas-4:30 ng hapon ay nagkaroon ng problema sa sig­naling system ng MRT kaya pansaman­talang nahinto ang bi­yahe ng magkabilang linya.

Sinabi ni Cabrera, agad namang isinaayos ng kanilang mga ta­uhan ang calibration ng mga pumalyang sig­naling system at ganap na alas-5:00 ng hapon ay muling nanumbalik sa normal ang operasyon ng MRT.

Nainis naman ang mga naantalang pasahero ng MRT, lalo pa’t magra-rush-hour noong magkaroon ito ng panibagong aberya.

Halos araw-araw ay nagkakaroon ng aberya sa MRT kaya patuloy na humihingi ng paumanhin si Cabrera sa kanilang mga pasahero.  

Show comments