2016 elections tuloy na tuloy – Brillantes

Comelec chairman Sixto Brillantes. File photo/AJ BOLANDO

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillanes ngayong Martes na matutuloy ang eleksyon 2016 sa kabila nang mga haka-hakang hindi ito mangyayari.

Sinabi ni Brillantes na naglaan ang Comelec ng P10.3 bilyon na budget para sa ikatlong automated national elections.

”No way that there can be no-el. Whatever happens, there will be (election),” pahayag ni Brillantes.

Kaugnay na balita: PNoy sa mga politiko: Problema solusyonan na, kampanya saka na

Napag-usapan ang no election sa 2016 matapos kumalat ang balitang aamyendahan ng kongreso ang Saligang Batas upang mapahaba ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang termino.

”That cannot be done. That’s constitutional (issue). If there is no election in 2016, there will also be no holdover, so we will have a big problem. Holdover is not also allowed,” banggit ng Comelec chairman.

”I doubt whether you (Congress) can pass a law extending the term of office. That also requires constitutional amendment,” dagdag niya.

Siguarado nang tatakbo para sa pagkapangulo si bise-presidente Jejomar Binay kung saan siya mismo ang nagkumpirma nito.

Samantala, nauna nang sinabi ni Aquino na mainam na tugunan muna ang pangangailangan ng publiko bago ang pangangampanya para sa 2016.

"Mayroon naman problema sa 2016 na eleksyon–2016 na 'yon. Ngayon, tugunan muna natin 'yung problemang bumabalot sa atin pong sambayanan,” wika ni Aquino.

Show comments