^

Bansa

BIR tuloy ang tax evasion case vs Pacquiao

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itutuloy pa rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kasong tax evasion na naisampa laban kay boxing champ at Sarangani Rep Manny Pacquiao.

Ito ayon kay BIR Commissioner Kim Henares ay kahit pa nagpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) hinggil dito.

Binigyang diin ni Hena­res na kahit na magkaroon ng delay sa pagbusisi sa kaso sa pagbubuwis ni Pacquiao pursigido pa rin ang ahensiya na itulak ang kaso hinggil sa pagbawi sa P2-billion tax liability ng mambabatas,

Magugunitang hinadlangan ng Korte Suprema ang utos ng Court of Tax Appeal na maglagak ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ng P3.3-bilyong cash bond o P4.9 bilyong surety bond para sa utang sa buwis noong 2008 at 2009.

Hinadlangan din ng Supreme Court ang appellate tax court at BIR sa pagpapatupad ng garnishment orders at tax lien sa mag-asawang Pacquiao.

Isa si Pacquiao sa sinasabing may pinaka mataas na bayad sa buwis sa ating bansa pero may tax liabilities pa rin dahil sa di nabayarang buwis sa Pilipinas sa kanyang mga naging laban sa boksing sa abroad.

Una nang sinasabi ni Pacquiao na nabayaran na niya ang mga buwis sa kanyang mga laban sa abroad dahil kinakaltas na ito sa kanyang kita sa mga laban sa boksing sa ibang bansa kaya’t hindi na ito kailangang buwisan sa Pilipinas.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

COURT OF TAX APPEAL

JINKEE PACQUIAO

KORTE SUPREMA

PACQUIAO

PILIPINAS

SARANGANI REP MANNY PACQUIAO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with