DENR experts inalerto sa Ebola

MANILA, Philippines - Inalerto ni Environment Secretary Ramon Paje ang lahat ng tauhan  sa Biodiversity Management Bureau (BMB) sa mga airports at seaports na busisiin nang husto ang pagpapasok ng lahat ng imported wild animals­ at exotic pets sa lahat ng entry points ng bansa    Ito, ayon kay Paje, ay upang maiwasan na may makalusot na makapasok  sa ating bansa na  mga hayop mula sa West Africa na infected ng nakamamatay na Ebola virus laluna mula sa Guinea, Sierra Leone at Liberia na higit na sinalanta ng naturang virus ang mga hayupan doon.  Sinabi ni Paje  na ang  Ebola virus  ay isang zoonotic disease na maaaring lumipat sa mga tao sa pamamagitan ng direct contact sa mga infected live o patay na hayop gayundin ng  body fluid mula sa hayop na may Ebola na may direktang contact sa  tao.

Show comments