'Hindi po nirespeto ang career ko' - Aljur

Aljur Abrenica. File Photo

MANILA, Philippines - Dumiretso sa korte ang Kapuso star na si Aljur Abrenica  upang tapusin ang kanyang kontrata sa GMA Network.

Naghain ng Judicial Confirmation of Rescission of Contract si Aljur sa Quezon City Hall of Justice laban sa TV network.

“Kaya po ako nandito ngayon dahil hindi po ako nabigyan ng pagpapahalaga at respeto pos a career na gusto ko tahakin,” wika ni Aljur na unang iniulat ng Philippine Entertainment Portal.

“Sana may matutunan po ang magkabilang panig. At ipinagdadasal ko rin po na pagkatapos po ng lahat ng ito, e, magkaro’n pa rin ng magandang relasyon ang magkabilang panig."

Ayaw pang maglabas ng reaksyon ng GMA7 dahil hindi pa nila pormal na natatanggap ang reklamo.

“GMA Network has not yet received a copy of the complaint filed by Mr. Aljur Abrenica. A statement will be issued when we have received and reviewed the contents of the complaint."

Show comments