Doktor ni Gigi Reyes pagpapaliwanagin sa Sandiganbayan

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Sandiganbayan ngayong Lunes ang doktor ng Taguig-Pateros District Hospital upang pagpaliwanagin sa paglipat ni Jessica “Gigi” Reyes patungong Philippine Heart Center (PHC) nitong Biyernes ng gabi.

Bukod sa attending physician na si Dr. Anthony Lontoc, pagpapaliwanag din ng third division ang abogado ni Reyes at ang jail warden ng Camp Bagong Diwa kaugnay pa rin ng paglipat ng akusado sa pork barrel scam sa PHC.

Nasa Coronary Intensive Care Unit ng PHC si Reyes matapos dumaing ng paninikip ng dibdib.

Ikukulong sana si Reyes sa femal dormitory ng Camp Bagong Diwa ngunit isinugod siya sa Taguig-Pateros District Hospital matapos makaranas ng anxiety attack noong Huwebes.

Nitong Sabado ay hiniling ng kampo ni Reyes na payagan ang kanilang kliyente na manalagi sa PHC hanggang sa maging maayos ang kalagayan niya.

Muli ring iginiit ng mga abogado na mailipat sa PNP Custodial Center si Reyes dahil sa banta sa buhay niya.

Show comments