Gigi Reyes ayaw makasama ang mga NPA sa selda

MANILA, Philippines — Naghain ng motion for reconsideration ang kampo ng abogadong si Jessica “Gigi” Reyes sa Sandiganbayan upang alisin siya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nakasaad sa kahilingan ni Reyes sa Third Division ng anti-graft court na ilipat siya sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.

Sa apela, sinabi ng mga abogado ni Reyes na natatakot ang kanilang kliyente sa siyam na amazonang miyembro ng New People's Army nakakulong din sa parehong pasilidad.

Kaugnay na balita: Gigi Reyes isinugod sa ospitall

"The detention of accused Reyes at the Female Dormitory of Camp Bagong Diwa with the NPA detainees, who accused Reyes will have to mingle in the common areas, poses security risks to her life and has caused her fear and contributed to her anxiety.”

Kaninang umaga ay isinugod sa Taguig Pateros District Hospital si Reyes dahil sa panic attacks matapos siyang ilipat mula sa Sandiganbayan patungong Camp Bagong Diwa.

Nahaharap sa kasong pandarambong si Reyes, kasama ang kanyang dating amo na si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Nauna nang iniutos ang pagpapakulong kay Enrile, ngunit sa halip na sa kulungan ay nasa PNP General Hospital ngayon ang matandang mambabatas dahil sa kanyang kondisyon.

Nakakulong naman sina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center dahil din sa kasong pandarambong kaugnay sa pork barrel fund scam.

Show comments