Plunder sasagutin ng PNP

MANILA, Philippines - Inaasahan ng Malacañang na sasagutin na lamang ni PNP chief Alan Purisima ang isinampang P100 mil­yong plunder case nito.

“He (Purisima) is expected to respond appropriately to the charges filed against him,” wika pa ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr.

Binalewala ni Gen. Purisima ang isinampang plunder case sa kanya ng negosyanteng si Glenn Gerard Ricafranca ng Legaspi City at itinuring na ‘bagito’ ang mga ito. Isinampa ni Ricafranca ang plunder case sa Ombudsman noong Abril 16 sa pamamagitan ni Atty. Coeli Fiel dahil sa pagpasok ng PNP sa kontrata sa Wer Fast Documentary Agency Inc. sa pagdedeliver ng mga gun license card sa buong bansa.

Bukod Kay Purisima ay kasama din sa kaso si Chief Supt. Napoleon Estilles, pinuno ng PNP Firearms and Explosives Office.

Sinabi ni Atty. Fiel, ang pinasok na Memorandum of Agreement ng PNP sa Werfast ay disadvantageous sa mga gun owners dahil sisingilin ang bawat gun owner ng P190 sa delivery fee.

Show comments