Jam Liner, 2 pang bus 30 days suspendido

MANILA, Philippines - Pinatawan ng 30-day preventive suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Jam Liner at dalawa pang bus company dahil sa mga kinasasangkutang aksidente sa lansangan na kumain ng mga buhay.

Ayon kay LTFRB Chair Winston Ginez, 10 unit ng JAM Liner ang suspendido, isang unit ng Delmonte Motorworks Inc. (DLTB), at 15 units ng Rural Transit of Mindanao Inc..

Ang Jam Liner ay namatayan ng isang pasahero at nakasugat sa 40 iba pa nang masangkot sa aksidente sa pagitan ng DLTB bus sa may STAR Tollway noong Mayo 4.

Anim naman ang namatay nang tumagilid sa may Zamboanga del Sur ang isang unit ng Rural Transit noong April 27.

Binigyan ng LTFRB ang naturang mga bus com­pany ng 72 oras para magpaliwanag.

 

Show comments