29 patay nitong Semana Santa - NDRRMC

MANILA, Philippines - Umabot sa 29 katao ang nasawi sa iba't ibang aksidente nitong Mahal n Araw, ayon sa state disaster response agency ngayong Lunes.

Bukod sa mga nasawi, nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 120 sugatan.

Nasa 45 insidente ang na-monitor ng NDRRMC mula sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 8, 10, 11, National Capital Region, at Cordillera Administrative Region base sa kanilang situational report kahapon.

Magkakaibang insidente ang naitala ng NDRRMC kabilang ang 17 aksidente sa kalsada, anim na sunog, aksidente sa katubigan, 15 pagkalunod, dalawang pagkalason, at pamamaril.

Dagdag ng NDRRMC na 11 katao ang naospital matapos malasin dahil sa Carbon Monoxide sa Catbalogan city sa probinsiya ng Samar.

Show comments