Gamitin ang TNT load sa walang patid na online gaming ngayong summer

MANILA, Philippines - Ngayong summer, wala nang patid ang online gaming adventure mo dahil pwedeng-pwede ka nang mag-level up at bumili ng ePins gamit ang Talk ‘N Text load. Basta may TNT load ka, hindi mo na kailangan pang lumabas ng bahay para bumili lang ng ePin card at makaipon ng mga coins, weapons o anumang kailangan ng character mo sa game.

Mag-log on lamang sa www.gamex.ph at piliin ang paborito mong laro at ang amount na kailangan mo sa game. Pagkatapos, i-type in lang TNT number upang makatanggap ng verification code. Pinakahuli, ipadala ang verification code sa 3161.

Gamit ang TNT load, tuluy-tuloy na ang enjoyment mo sa League of Legends, Crossfire, Dota 2, Yulgang 2, Mercenary Online, Dragon Nest, Ran Online at Drakensang. Maari mo na rin ma-loadan ang Blade 9, Heroes of Newerth, Blackshot, Elsword, Dragon Fist Tournament, WarRock, Cherry Credits, Avatar Star at marami pang ibang games sa buong summer.

Para malaman ang iba’t ibang promo at serbisyo ng TNT, bisitahin lamang ang official website nito sa http://talkntext.com.ph.

Show comments