Pinay hostage sa Sabah kinilala na

MANILA, Philippines – Pinangalanan na ngayong Biyernes ang dinukot na Pilipina sa Sabah, Indonesia kahapon.

Nakilala ang Pinay na si Marcelita Dayawan, 40, na isang hotel staff sa Singamata Resort sa Semporna District, Sabah.

Kasamang dinukot ng armadong kalalakihan ang isang turistang Chinese.

Kaugnay na balita: Sayyaf nangidnap sa Sabah

Hinala ng Palasyo ay Abu Sayyaf ang nasa likod ng krimen.

"The abductors are believed to be of the group of Murphy Ambang Ladia, [also known as] Haji Gulam, a native of Pandami Island, Sulu," pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na binasa ang mensahe ni military spokesman Lt. Col. Ramon Zagala.

Napag-alamanang dating pinuno ng Moro National Liberation Front si Ladia.

"Subject [Ludia] later joined the ASG operating in Tawi-Tawi under ASG Binang Sahirol," dagdag ng tagapagsalita.

Pinaniniwalaang dinala sa bayan ng Simunol sa Tawi-Tawi ang mga biktima.

Patuloy ang pagtutulungan ng gobyerno ng Pilipinas at Malaysia upang mailigtas ang mga binihag.

"Philippine and Malaysian authorities are closely and actively working together towards the speedy resolution of the case," pahayag ng Department of Foreign Affairs. "We continue to hope and pray for the immediate resolution of this incident and the safe return of the victims to their families."

Show comments