^

Bansa

Sayyaf nangidnap sa Sabah

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga arma­dong kalalakihan ang isang turistang Chinese at isang Pinay hotel staff sa Semporna, Sabah, Malaysia noong Miyerkules ng gabi.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga awtoridad ng Pilipinas at Malaysia kung may kinalaman ang mga bandidong Abu Sayyaf Group sa pagdukot na dati na umano nitong kinasangkutan noong Abril 2000.

Ipinaabot na rin ng pamahalaan ng Malaysia sa AFP ang pagdukot sa mga biktimang sina Gao Huayun, 29 anyos, isang turistang Chinese at Pinay na si Marcy Dayawan, 40, empleyado ng Singmata Reef Resort, isang diving resort sa silangan ng Semporna District, Sabah.

Ayon kay Capt. Rowena Muyuela, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, kasalukuyan nilang bineberipika kung sa area of responsibility ng Western­ Mindanao ti­nangay ng mga kidnaper ang naturang mga bihag.

Pinakilos na rin ang mga barko ng Philippine Navy at maging ang tropa ng Philippine Marines at Philippine Army para hanapin ang mga bihag.

“As of now, our naval assets are on alert...As of now, we have yet to receive an official report about the area where they (victims) were brought...We are still waiting for the official report,” ani Muyuela kung saan nakaalerto na rin ang mga ground troops sakaling dumaong sa Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga Peninsula at Basilan ang mga kidnaper tangay ang mga bihag.

Base sa report, bigla na lamang nilusob ng anim na mga armadong kalalakihan ang Singmata Reef Resort sa Semporna, Sabah at pu­wersahang tinangay ang dalawang bihag lulan ng pumpboat dakong alas-10:30 ng gabi noong Miyerkules.

Sinabi naman ni Capt. Ryan Lacuesta, Civil Military Operations ng 2nd Marine Brigade sa Sulu na wala pang indikasyon na dinala ang mga biktima sa Sulu.

Magugunita na noong Abril 23, 2000 ay nilusob ng mga bandidong Abu ang Sipadan diving­ resort sa Malaysia at dinukot ang nasa 20 dayuhang turista na karamihan ay mga Europeans. Ang mga biktima ay dinala at itinago ng mga bandido sa Sulu.

Samantala nito namang Nobyembre 2013 ay dinukot rin ng mga pinaghihinalaang Abu Sayyaf ang Taiwanese na si Evelyn Chang sa Semporna, Sabah saka dinala sa Sulu na pinalaya matapos ang isang buwang pagkakabihag.

 

vuukle comment

ABRIL

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

CAPT

CIVIL MILITARY OPERATIONS

SABAH

SEMPORNA

SINGMATA REEF RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with