No. 8 most wanted sa Leyte, timbog sa QC!

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga ahente ng PNP-CIDG QCCIDT ang ika-walo sa top most wanted criminal sa Leyte matapos itong masukol sa Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni PNP C/Inspector Willy Sy, team leader ng grupo ang isang Reynaldo Canciller y Rosales, alyas Lando, sa pinagtataguan nitong lugar sa 625 Interior Road, Barangay Bagbag, Novaliches sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC branch 97 sa kasong murder at frustrated murder at may pending warrant of arrest din ito sa Palo, Leyte.

Ayon kay Sy, nang makorner nila si Canciller ay hindi na nito nagawa pang manlaban sa mga pulis at kusang loob na sumama sa kanila.

Sinabi ni Sy, ang istilo ng pagpatay ni Canciller ay sina­saksak niya sa may balikat malapit sa leeg ang mga biktimang pinapatay nito. Nakakulong ngayon ang suspek dahil no bail recommended ang ipinataw dito ng dalawang korte.

Show comments