Cedric Lee at kompanya niya kinasuhan ng BIR

Lee

MANILA, Philippines — Hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang negosyanteng si Cedric Lee at ang kanyang kompanyang Izumo Contractors Inc. dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng buwis na umabbot sa P194.47 milyon.

Bukod kay Lee, na siya ring chief executive at presidente ng kompanya, inirekamo rin ng BIR sina chief operating officer John King at

Napag-alamanan ng BIR na mali ang nakasaad na halaga sa income tax return na inihain ng Izumo.

Anila,, may nag-tip sa kanilang pinepeke ng naturang kompanya ang kanilang income statements.

Bukod sa kaso ng BIR, nahaharap din si Lee sa pitong kaso, kabilang ang serious physical injury na inihain ng TV host na si Vhong Navarro.

Show comments