'David Tan' pansamantalang laya - De Lima
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2014 - 6:26pm

MANILA, Philippines – Inilagay ng National Bureau of Investigation sa look-out bulletin ang negosyanteng si Davidson Bangayan, ang itinuturong “David Tan” na nasa likod ng bilyung-bilyong rice smuggling sa bansa.

 Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima ngayong Miyerkules na hindi maaaring lumayo si Bangayan habang patuloy ang imbestigasyon ng NBI.

Dagdag ni De Lima na pinaninindigan ng mga imbestigador na iisa lamang si Bangayan at ang David Tan base na rin sa mga salaysay ng mga opisyal ng rice cooperatives na nakausap ng negosyante.

Kaugnay na balita: 'David Tan' dinakip ng NBI

Samantala, kailangan pang linawin ng Caloocan Regional Trial Court ang inilabas na warrant of arrest laban kay David Tan.

Tumungo ng opisina ng NBI si Bangayan nitong kamakalawa upang pormal na itanggi na siya si Tan, ngunit pagdating ng negosyante ay dinakip siya.

Sinabi ng NBI na may arrest warrant laban sa kanya para sa kasong pilferage ngunit hindi ito naging malinaw dahil nakapangalan ito kay Tan.

Nauna nang sinab ni De Lima na iisa lamang si Bangayan at Tan na umano’y may kasabwat sa Bureau of Customs upang mapatakbo ang ilegal na gawain.

BANGAYAN BUREAU OF CUSTOMS CALOOCAN REGIONAL TRIAL COURT DAVID TAN DAVIDSON BANGAYAN DE LIMA JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION SINABI TAN
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with