P900-M Malampaya funds, nawawala! — COA

MANILA, Philippines - Nawawala umano ang may  P900 milyong Malampaya funds.

Ito ang ibinunyag kahapon ng  Commission on Audit  (COA) mula sa nakuhang dokumento mula noong naipadala ni dating Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Narciso B. Nieto ang sulat sa  Department of Budget and Management (DBM)  na humihiling na maipalabas na nito ang naturang halaga para magamit sa mga magsasakang benepisyaryo ng CARP  na sinalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Ang sulat ay may petsang October 22, 2009 at naipalabas ang pondo sa DBM noong December 23, 2009.

Pero sinasabi sa report ng COA na kahit singkong duling ay walang nakarating sa mga benepisyaryo ng naturang pondo dahil sa ginamit na pekeng dokumento, pekeng NGO at pekeng talaan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Sinasabi ng COA sa kanilang report na 12 NGO’s ang nakinabang sa naturang pondo at ito ay ang  Karangyaan Para sa Magbubukid Foundation Inc. (KPMFI) - P82.5M; Gintong Pang­kabuhayan Foundation Inc. (GPFI) - P82.5M; Kaupdanan Para sa Mangunguma Foundation Inc. (KMFI) - P75M; Kasaganaan Para sa Magsasaka Foundation Inc. (KPSMFI) - P75M; Dalangpan Sang Amon Utod Kag Kasimanwa Foundation Inc. (DSAUKKFI) - P75M; Ginintuang Alay sa Magsasaka Foundation Inc. (GAMF) - P77.5M; Bukirin Tanglaw Foundation Inc. (BTFI) - P75M; Abundant Harvest for People’s Foundation Inc. (AHPFI) - P75M; Tanglaw Para sa Magsasaka Foundation Inc. (TPSMFI) - P72.5M; Saganang Buhay Sa Atin Foundation Inc. (SBAFI) - P80M; Micro-Agri Business Citizens Initiative Foundation Inc. (MABCF) - P55M at Masaganang Buhay Foundation Inc. (MBFI) - P75M;

Sinasabing sa sulat ni Nieto ay may 97 municipality mayors ang humingi ng ayuda para sa mga magsasaka na apektado ni Ondoy at Pepeng pero lumalabas na 28 mayor lamang ang sumulat sa DAR para sa tulong.

Show comments