Prayer rally vs human trafficking

MANILA, Philippines - Lubos ang ginagawang paghahanda ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa nakatakdang prayer rally laban sa human trafficking bilang bahagi ng International Day Against Trafficking (IDAT) na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Ang nasabing aktibidad ay sasamahan ng ilang simbahan sa Disyembre 12 na magsisimula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Kaugnay nito, hinikayat ng CBCP ang mga makikiisa sa nasabing aktibidad na magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagbabalik dignidad ng mga naging biktima ng human trafficking.

Kabilang sa inaasahang dadalo ng Interfaith Movement Against Human Trafficking (IMATH) ay ang National Council of Churches in the Philippines, Philippine Council of Evangelical Churches, at Inter-Agency Council Against Trafficking ng DoJ.

 

Show comments