2 bagyo papasok

MANILA, Philippines - Bago matapos ang 2013, dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong Dis­yembre.

Ayon kay Jori Loiz, weather forecaster ng Pagasa, bagamat hanggang kahapon ay wala naman silang namamataang bagyo na maaaring pumasok sa bansa, ang nararanasang minsang pag-uulan ay epekto lamang ng intertropical convergence zone.

Maaliwalas naman anya ang panahon nga­yong weekend.

Sa buong buwan din ng Disyembre ay makakaranas ang bansa ng maulap na kalangitan na may paminsan minsang pag-uulan dulot din ng ITCZ, tail end of a cold front at amihan.

 

Show comments