Pagdiriwang ng National Week +for the Gifted & Talented 2013

MANILA, Philippines - Ang Philippine Center for Gifted Education, Inc. (PCGE, Inc.) na pinamumunuan ni Dr. Leticia Ho ay nais ipaalam sa lahat ang pagdiriwang ng National Week for the Gifted and Talented 2013 Activities. Ang mga selebrasyon ay tatampukan ng mga bagong Rizal Leadership Training sa White Knight Hotel, Casa Manila, Intramuros, Manila mula Nobyembre 22-24 at iha-highlight sa pamamagitan ng Mga Bagong Rizal Awards night/PCGE 3rd Anniversary/opening of the National Week for the Gifted and Talented 2013 sa November 24, 2013 sa ganap na 6PM. Ang search para sa Mga Bagong Rizal Pag-asa ng Bayan na sinimulan noong 2011 ay inorganisa ng PCGE upang paigtingin ang public awareness tungkol sa giftedness at ang education of gifted people.

Show comments