Bangkay ng beybi, itinapon sa basura

MANILA, Philippines - Itinapon sa tambakan ng basura ang isang   tinatayang 5-buwang gulang na sanggol na babae ang natagpuan sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakabalot pa ng lampin ang beybi nang makita sa balumbon ng basura dakong alas-9:30 ng gabi  sa panulukan ng  Antipolo St., at Rizal Avenue, sa Sta. Cruz, Maynila.

Inakala umano ng isang di nagpakilalang tricycle driver na may manika sa basurahan kaya inusisa at laking gulat nang makita ang sanggol.

Ini-report ito sa Manila Police District-station 7, na siya namang tumawag sa MPD-Homicide Section.

Inilagak na sa Nathan Funeral Morgue ang bangkay ng sanggol.

Show comments