LPA bagyo na

MANILA, Philippines - Ganap ng naging bagyo ang namataang namumuong sama ng panahon sa Guian, Eastern Samar na tatawaging bagyong “Quedan.”

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyong Quedan ang lakas na hanging 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at inaasahang gagalaw patungong hilaga-hilagang silangan sa bilis na 7 kph.

Ngayong Lunes, inaasahang nakaposisyon si Quedan 930km sa hilaga silangan Guiuan, Eastern Samar, habang sa Martes ng hapon ay inaasahang nasa labas na ito ng Philippine area of responsibility.

Dahil dito, walang gaanong epekto ang bagyo sa ating bansa dahil mabilis lamang itong lalabas ng PAR sa loob ng 24 oras.

Inaasahan namang magbabagsak ng ulan si Quedan mula 5-7.5 mm kada oras, katamtaman o manaka-nakang lakas, sa may 300 km diametro nito.

Show comments