De Lemos, OIC ng NBI

MANILA, Philippines - Itinalaga ni Justice Secretary Leila de Lima bilang officer-in-charge (OIC) ng National Bureau of Investigation (NBI) si Assistant Director Medardo de Lemos.

Sa Department Order 712, pansamantalang itinalaga bilang pinuno ng ahensya si de Lemos. Sakop ng trabaho ng OIC ang administrasyon sa operasyon ng NBI.

Sabi naman ni de Lima, hindi kasama sa tungkulin ni de Lemos ang pagpirma sa mga kontrata, pagtanggal ng empleyado at iba pang usapin sa policy determination.

Epektibo ang kautusan hangga’t hindi nakapagtatalaga ng bagong direktor si Pangulong Aquino kapalit ng nagbitiw na si NBI Director Nonnatus Rojas.

Show comments