Suporta sa FOI hingi

MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga kongresista sa kapwa mambabatas na suportahan ang pagpasa ng kontrobersiyal na Freedom of Information (FOI) bill ngayong papasok na 16th Congress.

Ayon kay Marikina City Rep. Marcelino Teodoro, dapat bigyang importansiya ng mga mambabatas ang sustansiya ng FOI bill at benepisyo nito sa nakararami sa halip na kontrobersiya.

Iginiit pa ni Teodoro na dapat gawing prayoridad nang 16th Congress ang panukala at suportahan ng mga kongresista.

Una nang inihayag ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat, Jr. na para mapabilis ang pagpasa ng panukala ay dapat suportado ito ng chairman ng House public information committee.

Idinagdag pa nito na susuportahan niya ang sinumang kasamahang kongresista na mailuklok bilang chairman na ipaglalaban ang pagsasabatas sa panukala.

Show comments